BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, December 9, 2009

Pagpapatibay ng Pagkataong Pilipino Tugon sa Hamon ng Buhay

Ang Pilipino, saan mo man iyan ilagay sa anumang panig ng mundo, magagawa at magagawa niyang makiangkop, makipagsabayan at magtagumpay. Ganyan ang Pinoy!


Ang bansang Pilipinas nakatira ang mga Pilipino, na nagmula sa mga malay na nagpunta sa ating bansa. Karaniwan silang inilalarawan bilang, may kayumangging balat, pandak at pango ang ilong. Palaban, hindi marunong sumuko, madaling matuto at malakas ang loob. Kung kaya naman kapag ang isang pagsubok ay dumating sa ating buhay, nagagawan natin itong mapagtagumpayan. Hinaharap natin ito, at hindi tinatakbuhan. Ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang ito'y ating malutas. Ngunit kapag nagawa na natin ang lahat ng ating makakaya, at hindi pa natin ito nalulutas, isinasadiyos na lamang natin ito. At pagkagising kinabukasan, maayos na naman tayo. Dahil sa mga pagsubok na ito, mas tumitibay ang pagkatao natin. Pinapatibay nito ang pagkataong tinulungang binuo ng ating pamilya, at ating mga kapwa sa atin.


Tulad nga ng isang alak ang isang tao, habang tumatagal, lalo itong nahuhubog.

No comments:

Post a Comment